Manalamin po tayo

Nakatira po ako at nag tatrabaho sa isang magarbong subdivision dito sa Pilipinas, Class A ika nga. Iba’t-ibang lahi ang mga nakatira. May Amerikano, Tsino, Koreano, Hapon, Francis, Vietnamese, German at Pinoy. Iba’t ibang lahi, iba’t ibang kultura.

 

May isang lahi na sobra kung makapanglait sa ating mga Pilipino. Na we Filipino’s are idiot daw, walang pinag aralan, mababang uri, bobo, kurakot, at marami pa. masakit pakinggan, nakakapantig ng tenga nakakababa ng moral. 

 

Minsan di ko na natiis ang panlalait niya nasagot ko siya bakit ka nag asawa ng Pinay at nag karoon pa ng anak sa Pinay? Don’t tell me your wife is idiot? at bakit ka nag sisiksik dito sa Pilipinas if we Filipino’s are idot? Medyo may kaba man ako sa sinabi ko dahil isa siya sa mga amo ko pero ang paulit ulit na pang mamaliit niya sa ating mga pinoy ang nag bigay sakin ng  lakas ng loob para masagot ko siya.

Minsan di ko rin siya masisi kung bakit niya nasasabi ang mga katagang yon. Minsan kasi nung mahuli siya ng Pulis dahil sa over speeding, tinikitan na siya kinutungan pa. Nabangga ang sasakyan niya tinakasan siya minura pa. Minsan din naman kasi may kasalan din tayong mga Pinoy minsan tayo rin ang nagiging dahilan para laitin tayo ng mga dayuhan. Sana bigyan din natin ng pansin ang ating mga binitawang salita, mga ikinikilos, o kung tayo ba nakakasakit sa kapwa o hindi.

Minsan humarap naman tayo sa salamin. Mahirap “MALAIT” kaya iwasan din sana nating manlait at gumawa ng katarantaduhan. Gawin ehemplo ang ating mga sarili. Wag sana nating hayaang lagi nalang yuyurakan ang ating dangal. Bangon mga kabayan. Sana maging example tayo sa ating mga “KABATAAN”

Inilathala sa:  on Abril 4, 2009 at 2:33 umaga Mag-iwan ng Puna
Tags: , , , , , , , , ,

Buhay OFW

Kalupitan, karahasan, pag yurak ng dangal at anu pang diskriminasyon ang hinahagupit sa kanila. Wala na bang katapusan ito? Talaga bang ganito na ang buhay ng ating mga OFW o manggagawang pinoy sa ibang bansa? Lalo na sa mga nag papakatulong?

 

Nung nakaaraang Marso 27, 2009, may isang Artikulo na isinulat si Ginoong. Tsao nakasaad doon ang panlalait at pagmamaltrato niya sa kanyang kasambahay.

 

Nung nakaraang taon naman isa ring kasambahay ang niyurakan ng dangal. Ginahasa at pinagpasahan pa habang kinukuhan ng Video ng kanyang among lalaki. Iyak lang ang kanyang nagiging sandata. Yung iba naman binubogbog at minsan napapatay pa. Nakakasama ng kalooban na lagi nalang ganito ang inaabot ng ating mga kababayan na wala namang ginawa kundi maninilbihan sa ibang bansa. Tinitiis ang pagod, hirap at pangungulila sa kanilang pamilya mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang mga mahal nila sa buhay.  

 

Wala ba talagang magawa ang ating Gobyerno? Hindi bat ang ating mga OFW ay mga bayani rin sa ating bansa? Di nga bat malaki rin ang naitulong nila sa ating ekonomiya? Bakit di natin sila kayang protektahan? Sasanayin nalang ba natin ang ating mga sarili sa ganitong uri ng pagtrato ng ibang lahi? Nakakasama ng loob naway bigyan din naman ng pansin at priyoridad ang ating mga kakababayang OFW hindi yung puro nalang pangungurakot at pagpapasikat ang unahin.  Tao din naman po sila gaya nyo!

 

Sa ating mga kababayang nasa ibang bansa, “MABUHAY po KAYO” naway patnubayan po kayo lagi ng May Kapal. Laban Pinoy!!!

 

Inilathala sa:  on Abril 2, 2009 at 7:56 umaga Mga Puna (2)
Tags: , , , , , ,